Latest Post

Paralegal Training ukol sa RA 9231 at iba pang batas na pumuprotekta sa mga menor de edad at Team Building Activity isasagawa

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 3 (PIA) – Sa pangunguna ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) at ng dalawang komitiba nito, ang Provincial Early Childhood Care and Development Coordinating Committee (PECCDCC) at ang Sorsogon Provincial Inter-agency Anti-Child Labor Committee and Sagip Batang Manggagawa Quick Action Team (SPIACLC-SBMQAT), isang pagsasanay sa paralegal ukol sa Republic Act 9231 o batas na tutuldok sa malalang uri ng sapilitang pagpapatrabaho sa mga bata kasama na ang iba pang mga batas na may kaugnayan sa mga menor de edad at team building activity ang gaganapin sa Hulyo 5 at 6, 2012 sa Sorsogon City.

Sa ipinadalang imbitasyon ni Sorsogon Governor Raul R. Lee, ang PCPC at SPIACLC-SBMQAT chairman sa PIA Sorsogon Information Center, sinabi nitong pangunahing mandato ng PCPC ang pagtugon sa mga usaping may kaugnayan sa mga bata o menor de edad sa pamamagitan ng pagpaplano, paggawa ng mga alituntunin o polisiya at pagbibigay ng tulong teknikal sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa kapakanan ng mga bata.

Ang PCPC ang siyang focal inter-agency council ng mga menor de edad sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon pa sa gobernador, pangunahing layunin ng pagsasagawa ng pagsasanay ang maturuan ang mga kalahok ng kaukulang kaalaman ukol sa mga pangunahing batas na poprotekta sa mga menor de edad at paigtingin pa ang ispiritu ng pagtutulungan o teamwork sa loob ng konseho at ng mga komitiba nito.

Positibo ang gobernador na aktibong makikilahok ang 39 na mga kasapi ng PCPC ng lalawigan ng Sorsogon. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Tweet PNoy

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

PIA Regional Watch

Weather Watch

Volcano Watch

Web Counter

  • 3,807 hits